PNP Chief Oscar Albayalde, naniniwalang 50% solved na ang ilang homicide cases under investigation

Manila, Philippines – Nakapagresolba na ang Philippine National Police (PNP) ng 50% ng mga kaso na kabilang sa Deaths Under Investigation (DUI) o mas tinatawag ng Homicide Cases Under Investigation (HCUI).

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, malaki ang progreso ngayon ng pulisya sa pagbibigay ng solusyon sa mga kaso.

Lalo na aniya ang mga insidente ng suspected robbers at drug personalities na natagpuang patay na may kasamang placard.


Ang HCUI cases ay ang mga kasong pagpatay sa mga hinihinalang drug pusher and user na kagagawan ng mga vigilante groups.

Facebook Comments