PNP Chief Acorda, ipinauubaya na kay PBBM kung isasapubliko ang mga pulis na sangkot sa iligal na droga

Nakadepende sa magiging pasya ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., kung isasapubliko ang pangalan ng mga opisyal ng Pambansang Pulisya na nakitaan ng kaugnayan sa kalakaran ng iligal na droga.

Ito ang inihayag ni PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., kaugnay sa ulat at magiging resulta sa isinagawang pagsasala ng 5-man advisory group at National Police Commission sa 953 courtesy resignation na isinumite ng 3rd level officials ng PNP.

Kaugnay ito sa naging panawagan ni DILG Sec. Benjamin Abalos Jr., na magsumite ng kanilang courtesy resignations ang mga koronel at heneral ng PNP bilang paglilinis sa hanay ng pulisya mula sa iligal na droga.


Matatandaang 36 mula sa nasabing bilang na nagsumite ng kanilang courtesy resignation ang sumasailalim pa sa pagbusisi ng National Police Commission (NAPOLCOM).

Facebook Comments