PNP chief, pinatitiyak sa NCRPO na hindi magiging super spreader events ang pamamahagi ng cash aid

Pinasisiguro ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa kaniyang mga tauhan sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na hindi magiging super spreader events ang pamamahagi ng cash aid sa Metro Manila.

Ito ay sa harap na rin nang pagsisimula ngayong araw ng distribusyon ng cash assistance sa mga low-income families sa NCR.

Ayon kay PNP chief, alam niyang kailangan ng mga residente ang tulong ngayong Enhanced Community Quarantine (ECQ) kaya’t hindi malayong dagsain ito.


Kaya naman pinasisiguro ni Eleazar sa kaniyang mga tauhan na nasusunod ang minimum public health safety standards at quarantine protocols lalo na ang social distancing at ang pagsusuot ng face masks at face shields.

May pakiusap naman si PNP chief sa mga makakatatanggap ng ayuda.

Facebook Comments