PNP Chief Police Director General Albayalde, Binigyan ng Posthumous Promotion ang Pinaslang na COP ng Isabela!

1285

Ilagan City, Isabela- Nabigyan ng Posthumous Promotion ang napatay na hepe ng PNP Mallig na si Police Senior Inspector Michael Angelo Tubaṅa bilang pagpupugay sa naging pagbisita ni Police Director General Oscar Albayalde sa burol ng naturang hepe sa St. Peter Chapel sa Upi, Gamu, Isabela.

Sa pagtutok ng RMN Cauayan News Team, sinalubong nina Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III, Major General Perfecto Rimando Jr., ang Commander ng 5th ID at ni Brigadier General Bartolome Vicente Bacaro, ang Commander ng 502nd Brigade ang pagdating ni PDG Albayalde bandang alas nuwebe trenta kaninang umaga.


Sa naging pagbisita ni PDG Albayalde ay kanyang binigyan ng Posthumous Promotion mula sa pagigingPolice Senior Inspector ay itinaas sa ranggong Police Chief Inspector ang napaslang na hepe bilang pagkilala sa kanyang ipinakitang kahusayan at katapangan sa pagganap sa kanyang tungkulin.

Layunin din ng pagbisita ni PNP Chief Albayalde na malaman ang buong pangyayari sa pagkakapatay ni PSI Tubaṅa.

Magugunita na noong linggo ng gabi, Hunyo 17, 2018 ay binaril ng mga suspek na sina Warren Bulawit at isang nagpakilalang menor de edad na itinago sa pangalang “Bugoy” si PSI Tubaṅa matapos magsagawa ng Drug Buy Bust Operation ang kanyang tropa sa Brgy. Centro 1, Mallig, Isabela.

Facebook Comments