Pnp Chief Ronald “Bato” Dela Rosa, Kinumpirmang May Padrinong Opisyal Ng Pnp Si Spo3 Ricky Sta. Isabel

10

MANILA – Kinumpirma ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa na may padrinong opisyal ng PNP si SPO3 Ricky Sta. Isabel na itinuturong suspek sa pagdukot sa koreanong si Jee Ick-Joo.Ayon kay Dela Rosa, kabilang sa mga narco-general ang boss ni Sta. Isabel na nagtalaga sa kanya sa anti-illegal drugs unit para sirain ang kampanya laban sa ilegal na droga.Nauna nang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga narco general na sina Retired Deputy General Marcelo Garbo Jr, Retired C/Supt. Vicente Loot, Director Joel Pagdilao, C/Supt. Vicente Tinio At C/Supt. Bernardo Diaz.Walong suspek umano ang kasabwat ni Sta. Isabel sa kidnapping kabilang ang dalawa aktibo at retiradong pulis.Idinagdag pa ng opisyal – na ginagamit ni Sta. Isabel ang kampanya bilang ‘cover-up’ sa modus na pagkidnap.Kinondena din ni Dela Rosa – ang pagsuko ni Sta. Isabel sa National Bureau of Investigation sa halip sumailalim sa kustodiya ng PNP.

Facebook Comments