PNP Chief Ronald Dela Rosa at dating Security Adviser Roilo Golez – tiwalang matatapos na ang crisis sa Marawi City

Manila, Philippines – Kumpiyansa sina PNP Chief Ronald Dela Rosa at dating National Security Adviser Roilo Golez na sa loob ng 15 araw ay matatapos na ang krisis sa Marawi City, batay sa naging assesment ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Dela Rosa, tumatanggap ng regular information at briefing ang pangulo mula sa mga security officials sa ground kaya’t naglabas siya ng assessment na ganun.

Ang PNP ay nagbibigay ng suporta sa tropa ng AFP, na siyang nasa frontline sa bakbakan sa Marawi.


Habang positibo naman si Golez sa operasyong isinasagawa ng tropa ng pamahalaan sa Marawi City.

Ang tinig nina PNP Chief Ronald Dela Rosa at dating National Security Adviser Roilo Golez.

Facebook Comments