Pnp Chief Ronald Dela Rosa, Handang Magpakulong Kung Makitaan Ng Mali Ang Pagkatanggap Ng Libreng Biyahe Sa Las Vegas Mu

12

MANILA – Handang makulong si Philippine National Police (PNP) Chief Ronald “Bato” Dela Rosa sakaling may makitang mali ang Ombudsman sa isyu ng pagtanggap nito ng libreng biyahe sa Las Vegas mula kay Senador Manny Pacquiao.Ayon kay Dela Rosa – ang mahalaga ay hindi siya nagsinungaling sa taumbayan at hindi galing sa pangungurakot ang perang ginastos sa kanyang panonood.Sinabi rin ni Dela Rosa na buo pa rin ang respeto niya sa Ombudsman dahil gaya ng PNP, ginagawa lang din aniya nito ang kanilang trabaho.Pero aniya, umaasa siya na magiging patas ang Ombudsman sa kanilang imbestigasyon.

Facebook Comments