PNP Chief Ronald Dela Rosa, naghinanakit sa ulat na binabayaran ang mga pulis na makakapatay ng drug suspect

Manila, Philippines – Mariing pinabulaanan ni PNP Chief,Director General Ronald Dela Rosa ang alegasyong binabayaran ang ilang pulis sa kada mapapatay na drug suspect.

Kasunod ito ng ulat ng international news agency na Reuters kung saan tinukoy na dalawang pulis ang nagsabing planado ang pagpatay sa ilang sangkot sa ilegal na droga.

Hamon ni Dela Rosa sa mga kritiko ng kampanya – maglabasng ebidensya.


Naniniwala si Dela Rosa na intensyon lamang nitong ulat na pabagsakin ang pamahalaan at dungisan ang imahe ng PNP.
Masama rin aniya ang kanyang loob dahil hindi na ito patas para sa mga pulis na nagtatrabaho ng maayos at isinasakripisyo ang buhay para sa tungkulin.

Facebook Comments