Pnp Chief Ronald Dela Rosa, Nagsorry Sa Gitna Ng Nangyayaring Patayan Sa War On Drugs Ng Pamahalaan

11

MANILA – Humihingi ng tawad sa diyos si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa dahil sa mga napapatay kasunod ng kampanya laban sa ilegal na droga ng pamahalaan.Ayon kay Dela Rosa – hindi nila ginusto na maraming mamatay sa kampanya dahil ang gusto lamang nilang bigyan ng kapayapaan ang publiko.Sa kabila nito – sinabi ni Dela Rosa na magpapatuloy ang kampanya kontra droga.Pero – hindi naman nito maipangako na hindi na madadagdagan ang bilang ng mga namamatay.Simula ng isulong ang war on drugs ng Duterte administration – umabot na sa anim na libo ang mga namamataySa nasabing bilang 2,000 lamang ang napatay sa mga lehitimong operasyon ng mga pulis.

Facebook Comments