PNP Chief Ronald Dela Rosa, nanindigang walang mali sa ginawang raid ng PNP sa bahay nila Mayor Reynaldo Parojinog

Manila, Philippines – Walang nakikitang mali si PNP Chief. Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa isinagawang operasyon ng mga otoridad na nagresulta sa pagkakapatay kay Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog Sr., asawa nito at labing tatlong iba pa.

Ito ang reaksyon ni Dela Rosa kasunod ng puna ni senate Minority Leader Franklin Drilon na kataka-taka kung bakit isinilbi ang search warrant nang madaling araw.

Sa press conference sa Camp Crame, sinabi ni Dela Rosa na ginagawa lamang ng mga pulis ang kanilang tungkulin, kahit sino pa ang masagasaan.


Babala ng PNP Chief sa mga narco-politicians, marami pang ganitong operasyon ang ikakasa ng PNP.

Nanindigan din si Dela Rosa na hindi ililipat ng destino si Ozamis City Police Chief Jovie Espinido.

Facebook Comments