PNP Chief Ronald Dela Rosa, pundido na kakasagot ng mga tanong tungkol sa Extra Judicial Killings

22

Manila, Philippines – Aminado Si PNP Chief Dir. Gen.Ronald Dela Rosa na sawa at pagod na itong sagutin ang lahat ng tanong na may kaugnayan sa Extra Judicial Killings na ibini-bintang sa Duterte administration.
Ang reaksyon ni Dela Rosa ay kasunod ng pagpapahayag ng Estados Unidos ng pagkabahala kaugnay sa dumaraming bilang ng pagpatay sa bansa
Ayon kay Dela Rosa pabalik-balik na lang ang nasabing isyu kung saan nakakapagod na aniya itong sagutin.
Kasabay ng pagtanggi sa pagkakasangkot ng hanay ng PNP samga pagpatay, binigyan diin ni Dela Rosa na wala itong paki-alam sa komento ng mga dayuhan dahil mas pinagtutuunan nito ng pansin ang kapakanan ng mga Pilipino.
Sa kabila ng mga kritisismong natatanggap – ipinagmalaki ni Dela Rosa na tagumpay ang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Facebook Comments