PNP Chief Sinas, hindi pwedeng makalusot mula sa mga paglabag niya sa health protocols – VP Robredo

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na dapat magsilbing ehemplo ang mga public officials sa pagsunod sa health protocols lalo na at walang pinipili ang COVID-19.

Ito ang pahayag ng Bise Presidente nang hindi sumailalim si PNP Chief P/Gen. Debold Sinas sa health screening nang bisitahin niya ang regional headquarters noon Huwebes, March 11 – kung kailan kinumpirma rin ang pagpositibo niya sa COVID-19.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na bilang isang public official ay dapat alam ni Sinas ang kanyang reponsibilidad.


Sumailalim si Sinas sa swab testing bago siya nagtungo sa Oriental Mindoro, pero sana ay hinintay niya ang lumabas ang resulta nito.

Ang ikalawang beses na lumabag sa health protocol ang PNP Chief ay magsilbi aniyang paalala sa lahat.

Matatandaang nahaharap si Sinas sa kasong kriminal at administratibo dahil sa paglabag sa quarantine protocols nang isagawa niya ang mañanita noong Mayo 2020.

Facebook Comments