PNP Chief Sinas, humingi ng sorry sa pamilya ng mga mag-inang pinatay ni Nuezca

Nagpaabot ng pakikiramay at humingi ng paumanhin si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas sa pamilya ng mag-inang pinatay ng naka-off duty na si Police Staff Sergeant Jonel Nuezca sa Paniqui, Tarlac.

Ayon kay Sinas, nakisimpatiya siya sa pamilya ng mga biktima at nagbigay siya ng update sa isinasagawang imbestigasyon.

Pagtitiyak ni Sinas na bibigyan ng suporta at seguridad ang pamilya ni Sonya at Frank Anthony Gregorio.


Magbibigay din sila ng financial aid sa pamilya.

Sa taya ng PNP, posibleng abutin sila ng isang buwan para gawin ang imbestigasyon para malaman kung dapat bang masibak sa serbisyo sa Nuezca.

Naniniwala si Sinas na napapanahon na para i-review ang mga polisiya ng PNP para sa pagdidisiplina sa mga pulis.

Facebook Comments