PNP Chief Sinas, itinanggi nasasangkot siya sa panibagong quarantine violation

Mariing itinanggi ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas na nasasangkot muli siya sa panibagong paglabag sa quarantine protocols sa harap ng COVID-19 pandemic.

Pero aminado si Sinas na ang kumakalat na video sa social media ay isang gathering na kanyang pinuntahan noong Enero, dalawang buwan bago nagkaroon ng lockdown measures.

Aniya, ang pagtitipon noon ay para sa pagreretiro ng kanyang classmate at nangyari sa Tuguegarao City.


Banat pa ni Sinas sa mga kritiko, marami talaga ang walang magawa sa kanilang buhay.

Matatandaang matinding nabatikos si Sinas dahil sa nangyaring mañanita noong siya pa ay Metro Manila Police Chief.

Facebook Comments