Nagsimula nang mag-ensayo si Philippine National Police (PNP) Chief General Nicolas Torre III.
Ito ay bilang paghahanda sa hamon na suntukan ni acting Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte.
Humataw ng praktis si Torre sa PNP Sports Center sa Camp Crame kung saan naka-limang rounds na agad ito sa iba’t ibang uri ng boxing drills.
Sinabi pa ni Torre na nakipag-ugnayan na rin siya sa pamunuan ng Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila bilang posibleng venue ng laban nila ni Duterte sa darating na Linggo.
Inamin naman ni Torre na sa edad nyang 55 taong gulang ay medyo kinakalawang na ang kanyang resistensya matapos ang matagal na pahinga sa pagboboksing.
Kasunod nito, tiniyak ng PNP chief na dumating man o hindi si Baste, tuloy ang nasabing charity boxing match upang magpaabot ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng matinding pagbaha.










