
Agad nagpatawag ng unang command conference si bagong Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III, isang araw matapos siyang manumpa sa tungkulin.
Ayon kay PNP Spokesperson PBgen. Jean Fajardo, isinagawa ang command conference sa Camp Crame kaninang alas-10 ng umaga kung saan dinaluhan ito ng command group at iba pang matataas na opisyal ng Pambansang Pulisya.
Tinalakay sa pulong ang mga pangunahing programa ni Torre para sa Pambansang Pulisya, partikular kung paano mas paiigtingin ang kampanya laban sa kriminalidad.
Matatandaang binigyang-diin ni Torre kahapon ang kanyang tatlong core pillars para sa PNP:
1. Mabilis na public service sa ilalim ng 3-minute response time.
2. Pagpapatibay ng disiplina sa hanay ng kapulisan.
3. Accountability and modernization









