
Mariing itinanggi ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III ang kumakalat na balita sa social media na umano’y inobliga ang mga pulis na dumalo sa ginanap na charity boxing match sa Rizal Coliseum noong Linggo.
Ayon kay Torre “fake news” ang post ni retired PBGen. Filmore Escobal, kung saan ipinakita sa screenshot ang diumano’y mga text at group chat messages na nagsasabing sapilitan ang pagdalo ng mga pulis sa naturang event kahit wala namang inilabas na written order mula sa National Headquarters.
Ani Torre, walang katotohanan ang alegasyon ni Escobal dahil marami ang nanuod at kinapos pa sila ng ticket.
Una nang sinabi ni Torre na nakalikom sila ng mahigit ₱300,000 at nasa ₱16 million na donasyon mula sa kaniyang pagkapanalo ‘by default’ matapos na hindi sumipot ang humamon ng suntukan na si acting Davao City Mayor Sebastian Duterte.
Sa SONA kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pabiro pa nitong tinawag si Torre na ‘bagong kampeon’.









