PNP CHOPPER DEAL | Supt. Ermilando Villafuerte, pinababalik sa serbisyo

Manila, Philippines – Inutos ng Korte Suprema na ibalik sa serbisyo at sa dati niyang posisyon si Police Superintendent Ermilando Villafuerte.

Si Villafuerte ay kasama sa sangkot sa maanomalyang pagbili ng PNP noong 2009 ng tatlong helicopter mula sa Manila Aerospace Products Trading o MAPTRA na dinismiss ng Office of the Ombudsman dahil sa serious dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Ang utos ng Korte Suprema na ibalik sa serbisyo si Villafuerte ay bahagi ng desisyon ng pagkatig sa pasya ng court of appeals.


Ayon sa Korte Suprema, ang pagbalik serbisyo ni Villafuerte ay hindi dapat mawala ang seniority rights nito at mabayaran din sya ng lahat ng kanyang back wages at benepisyo.

Napatunayan na ginampanan lang ni Villafuerte ang ministerial at administrative functions nito bilang miyembro ng bids and awards committee secretariat at sinusunod lang ang utos ng nakatataas sa kanya na opisyal.

Pinaalalahanan naman ng Korte Suprema ang Office of the Ombudsman na maging maingat sa pagtugis sa katarungan laban sa mga public officers na maglalagay sa kanila sa alanganing sitwasyon.

Immediately executory ang nakasaad sa desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng reinstatement ni Villafuertle na siyang legal officer ng national headquarters bids and awards committee secretariat division nang sibakin ng Ombudsman.

Facebook Comments