Kinumpirma ng Criminal Investigation & Detection Group na kabilang ang sibuyas sa madalas ipuslit sa bansa.
Ayon kay PNP-CIDG Director PBGen. Romeo Caramat Jr., mula noong 2019 hanggang sa kasalukuyan ay umaabot na sa ₱137-M ang halaga ng sibuyas ang pinuslit sa bansa.
Bunsod nito, nasa mahigit isang libong operasyon na ang isinagawa ng PNP katuwang ang Bureau of Customs at Department of Agriculture.
Aniya, puspusan ang ginagawang hakbang ng pamahalaan upang matuldukan ang lantarang pagpupuslit ng sibuyas sa bansa.
Lalo na’t nakaamba ang kakulangan ng suplay ng puti at pulang sibuyas sa bansa sa mga susunod na buwan ayon na rin sa Bureau of Plant Industry.
Maliban sa sibuyas, pinakamalaking halaga ng mga smuggled sa bansa ay mga damit, bags, piyesa ng mga sasakyan gayundin ang tobacco products.
Ginawa ni Caramat ang pahayag sa Global anti-illicit trade summit.