PNP-CIDG, hirap matunton si Roque

Aminado ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na nahihirapan silang matunton si dating Presidential Spokesman Atty. Harry Roque.

Ayon kay CIDG Spokesperson Lt. Col. Imelda Reyes, mabilis na nakakalipat ng lugar si Roque sa tuwing malapit na itong matunton at arestuhin ng mga pulis.

Nilinaw naman ni Reyes, na mayroon na silang matibay na lead kung nasaan ang kinaroroonan ng abogado.


Maaalalang, isang buwan nang pinaghahanap si Atty. Roque kung saan nahaharap ito sa contempt at detention order mula sa House Quad Committee matapos bigong maisumite ang mga dokumento hinggil sa umano’y kaugnayan nito sa illegal POGO operations.

Facebook Comments