PNP CIDG, ipinag-utos ang malalimang imbestigasyon hinggil sa natagpuang grave site sa Sarangani Province

Nagbigay ng direktiba si Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG) Director PBGen. Nicolas Torre III na masusing imbestigahan ang pagkakatuklas ng 3 kalansay ng tao sa Purok 5, Baluntay Sarangani Province.

Ayon sa CIDG, ang isang labi na nahukay ay taga-Bentung Polomolok, South Cotabato kung saan dalawa hanggang tatlong buwan nang nawawala.

Nagsagawa rin ng exhumation ang PNP CIDG sa lugar at nakarekober pa ang dalawang labi ng tao.


Ang pagkakadiskubre sa grave site o tapunan ng mga bangkay ay kasunod ng pagkakahuli ng CIDG-Sarangani sa dalawang gun for hire suspect nitong nakalipas na December 10 na kinilalang sina Renante Niepes Nebres at Ramil Dianda Salim.

Ayon sa pulisya, ang dalawa mismo ang nagbunyag na doon sa nabanggit na grave site nila ibinaon ang hindi pa mabilang na mga biktima.

Facebook Comments