PNP-CIDG, itinangging “overkill” ang pagkakasilbi ng warrant of arrest sa 3 opisyal ng Sunwest sa isang hotel sa Pasay

Itinanggi ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na “overkill” ang pagkakasilbi ng arrest warrant laban sa tatlong opisyal ng Sunwest Construction and Development Corporation sa isang hotel sa Pasay City.

Ito ay matapos na mahigit 100 tauhan ng PNP at National Bureau of Investigation (NBl) ang pumasok sa nasabing hotel para magsilbi ng mga arrest warrant.

Ayon kay PNP-Criminal Investigation Division Group-National Capital Region (CIDG-NCR) Chief PCol. John Guiagui, maimpluwensya ang mga akusadong kanilang aarestuhin kaya kailangan nila itong paghandaan.

Nilinaw rin ni Guiagui na naging maayos naman ang ginawa nilang inspeksyon sa bawat room ng hotel pero nabigo silang matagpuan sina Sunwest officials Consuelo Aldon, Noel Cao at Anthony Ngo.

Facebook Comments