PNP-CIDG kinumpirma na ang “big boss” na hinahanap nila sa pagsalakay sa isang leisure park sa Pampanga ang siya ring “big boss” ng POGO hub sa Porac

Kinumpirma ni Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director PMGen. Leo Franciso na ang Chinese na “big boss” sa POGO hub sa Porac, Pampanga ang siya ring hinahanap nila sa kanilang pagsalakay sa Fontana Leisure Park sa Mabalacat, Pampanga kagabi.

Ayon kay Gen. Franciso nakatanggap sila ng impromasyon na nagtatago ang naturang big boss ng POGO sa naturang leisure park pero bigo nila itong matagpuan.

Kanila namang naaresto ang isang Chinese manager na isa ring boss sa POGO sa Porac, Pampanga na sa ngayon ay sumasailalim na sa interogasyon ng pulisya.


Ito umano ang isa sa mga “big bosses” ng Zun Yuan Technology Incorporated na umano’y business partner ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Samantala, tuloy ang paggalugad ng PNP CIDG kasama ang mga tauhan ng Presidential Anti Organized Crime Commission sa 5 villas ng Fontana kung saan 14 vaults ang target nilang mabuksan ngayong araw.

Facebook Comments