Monday, January 19, 2026

PNP-CIDG , kinumpirmang may natanggap nang mga tawag patungkol sa kinaroroonan ni Atong Ang; isa pang sangkot sa kaso ng missing sabunggeros naaresto na ng ahensya

Kinumpirma ni Criminal Investigation and Detection Group Spokesperson Major Helen Dela Cruz na meron na silang natanggap na mga tawag patungkol sa kinaroroonan ni Atong Ang matapos ang inilibas na 10 milyong pisong reward.

Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame, sinabi ni Dela Cruz na bina-validate na ngayon ng ahensya ang mga impormasyong itinawag sa kanila, kung saan ang tanging requirement ng ahensya ay ang SIM card na ginamit para sa nasabing binigay na impormasyon ng mga impormante.

Kaugnay nito, kinumpirma ng CIDG na naaresto na rin ang isa pang dismissed na pulis na sangkot sa kaso ng mga missing sabungeros.

Sa kabuuan, 21 out of 22 na ang naaresto ng ahensya kung saan si Ang na lang ang pinaghahanap sa ngayon.

Patuloy naman ang ginagawang intelligence gathering ng ahensya para sa paghahanap sa natitira pang akusado.

Facebook Comments