Kumonsulta ang PNP-CIDG sa Office of the Solicitor General (OSG) kaugnay ng kasong sedisyon laban sa mga taga-oposisyon.
Sa statement ng OSG, sila ang pangunahing abogado ng bansa kaya tungkulin nilang magbigay ng payong legal sa PNP-CIDG.
Tumangging magbigay ng detalye ang OSG dahil kailangan nilang sundin ang client-lawyer confidentiality.
Paglilinaw ng OSG, ang PNP-CIDG ang kanilang kliyente at hindi si Peter Joemel Advincula, alyas ‘Bikoy.’
Ayon kay PNP Chief, General Oscar Albayalde – walang masama kung may partisipasyon ang OSG.
Sinegundahan din ni Atty. Larry Gadon ang pahayag ng PNP.
Si Gadon ang abogado ni Bikoy.
Para kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sinuman ang naghanda ng affidavit ni Bikoy, mas mahalagang patunayan ng PNP-CIDG ang kanilang mga alegasyon para makapagsampa na ng kaso.