PNP-CIDG, may hawak ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ni Harry Roque

Nagpapatuloy ang paghahanap kay Atty. Harry Roque.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Spokesperson Lt. Col. Imelda Reyes, may hawak na silang impormasyon sa kinaroroonan ni Atty. Roque.

Ngunit kanila pa itong bineberipika sa ngayon.


Maganda naman daw ang pagkakalatag ng kanilang tracker team na naghahanap kay Roque.

Nauna nang sinabi ng Philippine National Police o PNP na wala sa kanyang mga address sa Metro Manila si Roque na na-cite in contempt ng House Quad Committee matapos itong tumanggi na isumite ang mga dokumentong hinihingi sa kanya kaugnay sa umano’y koneksyon nito sa illegal POGO operations.

Facebook Comments