PNP-CIDG, nakasabat ng ₱25 milyong halaga ng iligal na LPG sa Pangasinan

Nakumpiska ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Pangasinan Provincial Field Unit ang ₱25 milyong halaga ng iligal na LPG at refilling equipment sa Barangay Nilombot, Mapandan, Pangasinan.

Ang operasyon ay nag-ugat makaraang magreklamo ang LPG Maker’s Association hinggil sa umano’y iligal na bentahan at distribusyon ng REGASCO LPG cylinder tanks laban sa Centurions LPG refilling Station.

Sa ulat ni CIDG Director Police MGen. Leo Francisco kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, 3 suspek ang naaresto sa operasyon kabilang ang cashier na si alyas ‘Ruby’ at dalawang tauhan na sina alyas ‘Jerryme’ at ‘Rolan’ habang nananatiling at-large ang pang-apat na suspek na umano’y may-ari ng refilling station na si alyas ‘Angelica’.


Narekober sa refilling station ang dalawang trak, ng samu’t saring mga tangke ng LPG, refilling equipment, 47 generic na selyo ng mga tangke, mga dokumento at ₱32,000.

Nasa kostodiya na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa paglabag sa Trademark Infringement at Unfair Competition ng RA No. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines; gayundin sa RA No. 11592 o LPG Industry Regulation Act.

Facebook Comments