PNP-CIDG, nananawagan sa mga nasa likod ng pagdukot sa mga sabungero na makipagtulungan sa mga otoridad

Hinihikayat ng Philippine National Police-Criminal Investigation & Detection Group (PNP-CIDG) ang mga nasa likod ng pagdukot sa mga nawawalang sabungero na makipag-ugnayan sa Pambansang Pulisya.

Ayon kay PNP-CIDG Spokesperson PMaj. Mae Ann Cunanan, binibigyan nila ng tyansa ang mga suspek na makipagtulungan sa mga otoridad nang sa ganon ay matunton ang kinaroroonan ng mga sabungero at matukoy kung sino ang utak o mastermind sa krimen.

Paliwanag ni Cunanan, isa sa mga prayoridad ng CIDG ang kaso ng mga nawawalang sabungero.


Paliwanag pa nito, sa ngayon ay puspusan ang paghahanap nila ng mga karagdagang ebidensya at mga testigo na makakatulong sa pagresolba ng kaso.

Una nang kinumpirma ng CIDG na bumuo na sila ng tracker team para matunton ang 2 pang suspek na kamakailan lamang ay kinasuhan nila sa Department of Justice (DOJ) ng kidnapping at serious illegal detention.

Facebook Comments