PNP-CIDG NCR, bigong matagpuan si Atong Ang sa bahay nito sa Bagong Ilog, Pasig City

Hindi naabutan ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group National Capital Region (PNP-CIDG NCR) si Charlie “Atong” Ang sa nakarehistrong bahay nito sa Lakeview Street, Bagong Ilog, Pasig City.

Bitbit ng team ni Police Colonel John Guiagui ng CIDG-NCR ang kopya ng warrant of arrest na inilabas ng korte mula sa Laguna may kaugnayan sa kaso ng missing sabungeros.

Maliban sa abogado ay pawang mga security personnel ang nasa loob ng compound.

Kapansin-pansin naman na tahimik ang paligid ng compound, maging ang mga katabi nitong mga bahay at business establishments.

Si Ang ay nahaharap sa kasong 5 counts of kidnapping with homicide at 6 counts of kidnapping with serious illegal detention.

Nakakalat ngayon ang iba pang teams ng PNP-CIDG at National Bureau of Investigation (NBI) sa iba’t ibang lugar kung saan may properties si Ang tulad sa Lipa City, Batangas.

Facebook Comments