PNP-CIDG, papasok na sa pag-iimbestiga sa kaso ng pagpatay kay Kian Delos Santos

Manila, Philipines – Papasok na ang Crime Investigation and Detection Group (CIDG) sa imbestigasyon kaugnay sa pagpatay sa binatilyong si Kian Delos Santos sa ginawang Oplan Galugad ng PNP Caloocan.

Ayon kay Philippine National Police Spokesperson Dionardo Carlos, iniutos na ni PNP Chief Ronald Dela Rosa sa CIDG na alamin ang tunay na nangyari sa likod ng pagkakapatay kay Delos Santos.

Aniya magiging sentro ng imbestigasyon kung paano pinatay ang mga binatilyo.


Base kasi sa intelligence report ng PNP Caloocan, lumalabas na si Kian ang ginagawang drug courier ng kanyang tatay na si Saldy Delos Santos at tyuhin nitong si Randy.

Pero malinaw na taliwas daw ito sa pahayag ng mga testigo na hindi drug runner si Kian.

Anya, titignan nila ang lahat ng anggulo sa kaso at kanilang bubusisiin ang CCTV footage kung saan kinakaldkad ng 2 pulis na nakasibilyan si Kian.

Facebook Comments