PNP Civil Security Group nakakumpiska na nang mahigit 500 loose firearms sa loob ng halos isang buwan 

122

Umabot sa 526 na loose firearms ang nakumpiska ng PNP Civil Security Group – Supervisory Office on Security and Investigation Agencies (CSG-SOSIA) ngayong buwan lamang ng Enero.

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, karamihan sa mga armas ay nakumpiska sa street inspection ng mga private security services, na walang valid permit, license to own and possess firearms (LTOPF) o Duty Detail Order (DDO).

Kabilang sa mga nakumpiska ang mga armas na may burado o duplicate na serial number.


Pinuri naman ni Gen. Carlos ang mga tauhan ng CSG-SOSIA sa kanilang pagpupursige sa physical inspection ng mga security agency sa kabila ng pandemya.

Paalala naman ni Carlos sa mga security agency, na ang mga ganitong uri ng mga “firearms violation” ng private security companies ay kinokonsiderang “grave offense” na may multang ₱50,000 para sa first offense at kanselasyon ng license to operate para sa second offense.

Facebook Comments