PNP-Cordillera, bumuo ng inspection teams para matiyak ang kalinisan sa kampo at maiwasan ang bagong variant ng COVID-19

Mas naging maingat ang mga tauhan ng Cordillera Police dahil sa bagong variant ng COVID-19.

Ito’y matapos makapagtala ang rehiyon ng 12 na kaso ng UK variant ng COVID-19 partikular sa Bontoc, Mountain Province.

Ayon kay Police Brigadier General Rwin Pagkalinawagan, Regional Director ng Cordillera Police, lumikha sila ng bagong inspection teams upang masigurong nasusunod ang health protocol sa kanilang mga kampo.


Iche-check aniya ng mga ito kung malinis pa ang mga kagamitan at mga pasilidad hanggang sa mga kwarto ng kanilang mga tauhan.

Inamin ni Pagkalinawan na bahagyang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay dahil sa mga police job trainees.

Pero sinabi niyang wala naman sa mga ito ang tinamaan ng bagong UK variant.

Samantala, mas naghihigpit din ang Cordillera Police sa pagbabantay sa mga border.

Facebook Comments