PNP Crime Lab Chief, iginiit na hindi isinailalim sa paraffin test si Kian Delos Santos

Manila, Philippines – Bagamat may mga lumabas ng dokumento na nakasaad na negatibo sa paraffin test si Kian Delos Santos.

Pinabubulaanan naman ito ng hepe ng PNP Crime Laboratory na si Police Chief Supt. Aurellio Trampe.

Aniya hindi raw nakapagsagawa ng paraffin test sa labi ni Kian dahil sa lumampas na sa 72 oras ang labi nito mula nang mamatay.


Useless na ayon kay Trampe kung magsasagawa pa ng paraffin test dahil umabot na aniya sa 142 hours ang labi.

Dapat raw kasi bago mag 72 hours ay makapagsagawa na ng paraffin test sa bangkay.

Matatandaang una ng sinabi ng Caloocan PNP na may nakasukbit umanong caliber 45 si Delos Santos na ipinutok pa sa mga pulis bago ito nasawi noong August 16.

Facebook Comments