PNP Crime Laboratory, inatasan nang tumulong sa militar para matukoy ang pagkakakilanlan ng 18 NPA na namatay sa sagupaan sa Eastern Samar

Inutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief Lt. Gen. Guillermo Eleazar sa PNP Crime Laboratory na makipag-ugnayan sa liderato ng 8th Infantry Division.

Ito ay matapos ang nangyaring sagupaan sa Dolores, Eastern Samar kung saan 18 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi.

Hiniling kasi ng pamunuan ng 8th Infantry Division ng Philippine Army ang tulong ng PNP forensic expert para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga nasawing rebelde lalo’t malaki ang posibilidad na isa rito ay mataas na opisyal ng NPA.


Ayon kay Eleazar, inutos niya sa PNP Crime Lab na ibigay ang tulong na kailangan ng militar.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mabibigyan ng disenteng libing ang mga nasawing rebelde.

Facebook Comments