PNP crime laboratory madadagdan ng mga DNA data base equipment ngayong taon

Patuloy ang isinasagawang modernisasyon ng PNP Crime Laboratory.

 

Sa katunayan ayon kay PNP Crime Lab Director Brig. Gen. Rolando Hinanay madagdagan ang kanilang mga gamit ngayong taon.

 

Parating kasi ang kanilang mga biniling mga bagong DNA data base equipment gaya ng 18 bullet comparison microscope, at tatlong DNA rapid  machine na nagagamit para mapadali ang pag examine sa mga DNA sample na kailangan sa mga kaso.


 

Kahapon una nang sinabi ni Hinanay umaasa syang maisasabatas na ang panukalang pagkakaroon ng DNA data base system sa bansa.

 

Malaki aniya ang maitutulong nito para mapabilis ang pagkuha ng DNA sample sa mga naaarestong suspek, convicted offender, detainee at drug dependents.

Facebook Comments