PNP DAGUPAN, ALL SYSTEMS GO NA SA HALALAN

Naka Standby na ang mga nasa isang daan at dalawampung kapulisan (120) na mga police personnels ng Dagupan City PNP na aantabay sa sitwasyon sa lungsod ngayong araw ng halalan.
Animnapung mga kapulisan ang nakadeploy sa tatlumpong polling center sa lungsod, habang nasa anim napo naman ang naka-assigned sa mga kakalsadahan.
Ayon kay Dagupan Police Station Operation Officer PLt. Jesus Gerard Manaois, patuloy na ang pagbabantay ng mga kapulisan sa bisinidad at simula nitong linggo ay wala na umanong naka day-off na mga kawani.
Sakaling mangailangan ng augmentation, maghihintay ang mga ito ng karagdagang pwersa bagamat tiwala si Manaois sa kakayahan ng Dagupan PNP upang matiyak ang kaligtasan at kapayapaan sa lungsod.
Samantala, handa rin umano ang himpilan sa anumang alituntuning posibleng ibababa mula sa higher office.
Hanggang sa kasalukuyan, hindi na inalis ang Dagupan City sa yellow category o areas of concern ngayong Halalan.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments