Nagpaalala ang Dagupan City Police Station sa lahat ng kandidato at kanilang mga tagasuporta na kinakailangang kumuha ng Permit to Campaign bago magsagawa ng anumang election-related activity para sa halalan.
Sa inilabas na pahayag ng pulisya, kailangan ito upang maiwasan ang anumang abala at matiyak ang kaligtasan ng publiko sa pagsasagawa ng kanilang mga rally, motorcade, at iba pang political events.
Ayon kay PLTCOL Brendon B. Palisoc, Hepe ng Dagupan City Police, kailangang sumunod ang mga kandidato at kanilang mga koponan sa tamang proseso upang maiwasan ang anumang banta sa seguridad at abala sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan.
Bukod dito, hinimok din ng PNP ang lahat ng political groups na sumunod sa mga regulasyon ng kampanya, kabilang ang pagbabawal sa pagdadala ng armas, pagsasagawa ng marahas na kilos, at iba pang election-related offenses.
Sa ngayon, nanatiling maayos at mapayapa sa nagpapatuloy na lokal na pangangampanya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









