Isang malaking hakbang para sa kapayapaan at kaayusan ang naabot matapos aprubahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang Resolution No. 2025-0545 na nag-uupgrade sa Dagupan City Police mula Component City Police Station patungong Type “C” City Police Office (CPO).
Pormal na pinirmahan ang resolusyon ni DILG Secretary Juanito Victor C. Remulla at iba pang opisyal ng NAPOLCOM.
Sa bagong status, madaragdagan ang tauhan at pondo ng PNP Dagupan, at magkakaroon ng direktang koordinasyon sa Police Regional Office 1.
Ayon kay Mayor Belen T. Fernandez, “Tagumpay ito para sa bawat Dagupeño. Mas matatag na pulisya, mas ligtas na lungsod.”
Nagpahayag din ng kumpiyansa si OIC Chief PLtCol. Lawrence Keith Calub na mas handa na silang tuparin ang tungkulin para sa kapakanan ng mamamayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









