PNP DAGUPAN, PINAIGTING ANG KAMPANYA KONTRA LOOSE FIREARMS

Mas pinaigting ng pulisya sa Dagupan City ang kanilang kampanya kontra loose firearms para sa payapa at maayos na pagdaraos ng Halalan sa 12 ng Mayo.

Sa inilabas na pahayag ng pulisya, nagpapatuloy ang kanilang pagsasagawa ng Oplan Sita at kabilaang COMELEC Checkpoints sa mga kakalsadahan ng lungsod.

Dagdag pa riyan ang kanilang maigting na pakikipagdayalogo sa mga barangay officials at mga residente upang magbabala sa mga panganib na dala ng loose firearms.

Ayon kay Dagupan City PNP CHief PLtCol Brendon Palisoc, mapanganib at isang seryosong banta umano ngayong election period ang mga loose firearms.

Hinikayat din ng mga ito ang mga opisyal sa barangay na ipagbigay alam sa kanila kung mapag-alaman na mayroong loose firearms ang kanilang mga kabarangay.

Umaasa naman ang pulisya na maging mapayapa ang paparating na halalan sa kabila ng pagsasailalim nito sa yellow area of concern dahil sa intense rivalry. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments