Tiniyak ng Dagupan City Police Station na mas pinaigting ang pagbabantay upang matugunan ang problemang dulot ng ilegal na droga matapos ang sunod-sunod na pagkakahuli ng malaking halaga ng kontrabando sa lungsod.
Sa panayan ng IFM News Dagupan kay DCPS Deputy Chief of Police PMAJ Apollo Calimlim, parehas umanong problema ng lahat ng bayan ang ilegal na droga at hindi lamang sa lungsod sa kabila ng alegasyon na nanunumbalik umano ang kalakalan ng shabu sa lungsod.
Aniya, dahilan ng dumadaming natutukoy na drug peddlers ang kumakalat na suplay sa rehiyon.
Nag-ugat ang pahayag matapos ang pagkakaaresto sa isang aktibong guro sa Dagupan City ng higit P1. 2 million na halaga ng hinihinalang shabu sa isang operasyon.
Iginiit ng tanggapan na kontrolado ang seguridad sa lungsod dahil sa patuloy na anti-illegal drugs operation na isinasagawa.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









