Mas makabubuting lumabas sa kalye ang mga pulis para aktibong bantayan ang mga lumalabag sa quarantine protocols sa halip na i-monitor ang social media para maghanap ng violators.
Payo ito ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa Philippine National Police (PNP) na dati niya ring pinamumuan.
Ang mensahe ni Dela Rosa ay kasunod ng pahayag ni Joint Task Force COVID Shield Chief Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar na regular nilang imo-monitor ang iba’t ibang social media platforms para matukoy ang mga lumalabag sa quarantine protocols.
Ayon kay Senator Dela Rosa, ang pagtutok sa social media ay mainam na ibaubaya na lang ng Pambansang Pulisya sa mga basher para punahin ang mga makikitang lumalabag sa quarantine protocols.
Facebook Comments