PNP-DEG, nakatanggap ng intel na may mga ilegal na droga na posibleng pumasok sa bansa na maaaring pondohan ang ilang narco-politicians; liquid shabu, mahigpit ding binabantayan

Posibleng bumaha ng suplay ng iligal na droga habang papalapit ang 2025 midterm elections.

Ito ang ibinunyag ni Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) Chief PBGen. Eleazar Mata kung saan nakatanggap sila ng intelligence reports na may mga magdadatingang shabu sa bansa.

Gagamitin umano ito para ibenta at pondohan ang ilang personalidad na tatakbo sa nalalapit na halalan.


Sa ngayon, may listahan na ang PDEG ng mga local chief executives o mga alkalde na sangkot sa iligal na droga pero kanila pa itong bineberipka.

Samantala, sinabi rin ng opisyal na binabantayan din nila ang pagkalat ng “liquid shabu” na mas mahina ang tama at mas mura sa merkado.

Inilalako umano ang liquid shabu sa social media at may kasalukuyan nang network sangkot ang ilang Pilipino, gaya ng dalawang naaresto sa ₱89 milyon drug-buy bust operations kagabi.

Facebook Comments