PNP, desididong tuldukan ang paglaganap ng iligal na droga sa bansa

Puspusan ang ginagawang hakbang ng Philippine National Police (PNP) upang matukoy ang pinagmumulan ng iligal na droga sa bansa.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., base sa kanilang impormasyon, nakakapasok ang droga sa bansa sa pamamagitan ng eroplano at sa mga sasakyang pandagat dahil wala na aniyang drug laboratory sa Pilipinas.

Ani Azurin, nakikipag-ugnayan na ngayon ang pulisya sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan para sa pagpapalakas sa ginagawang supply reduction campaign kontra iligal na droga.


Bukod dito, nagsasagawa na rin ang PNP ng drug affectation sa bawat barangay, kabilang na ang mga workplace, mga paaralan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Battle Against Drugs.

Kamakailan, iniulat ni PNP chief Azurin na nakasabat ng P9.7B na iligal na droga sa isinagawang 18,505 anti-illegal drug operations kung saan nakaaresto ang PNP ng nasa 22, 646 drug personalities.

Facebook Comments