PNP, ‘di nanghinayang sa pagkakaalis ni VP Leni Robredo bilang co-chair ng ICAD

Walang panghihinayang sa panig ng Philippine National Police (PNP) matapos ang pagkakatangal ni Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter Agency Committe on Anti-illegal Drugs (ICAD).

 

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig Gen Bernard Banac lahat naman ng opisyal ng gobyerno ay hindi nagtatagal sa anumang pwesto kaya hindi sila nanghihinayang.

 

Pero sinabi ni Banac na nagpapasalamat ang PNP sa mga dagdag na ideyang naibigay ng pangalawang pangulo sa anti-drugs campaign ng pamahalaan sa tatlong linggo nitong panunungkulan sa pwesto.


 

Aniya halos nagkakapareho naman ang adhikain ni VP Robredo sa adhikain ng ICAD para war on drugs.

 

Kaya naman itutuloy lang nila ang mga kasalukuyang anti-drugs campaign na sa ngayon ay sumesentro na sa mga high value targets.

 

Facebook Comments