PNP, DILG, at CHR – nilinaw na wala silang sigalot

86

Manila, Philipines – Walang sigalot sa pagitan ng Commission on Human Rights, Philippine National Police at Department of Interior and Local Government o DILG.

Ito ang nilinaw mismo nina DILG Officer-In-Charge Catalino Cuy at CHR Chairman Chito Gascon.

Anila, naging maayos ang kanilang pagpupulong kanina sa Camp Crame.


Sa katunayan, ayon kay Cuy human rights ang kanilang isa sa prayoridad kaya wala aniya silang conflict sa CHR.

Habang sinabi naman ni CHR Chair Gascon, na nais lamang nilang malaman ang totoong nangyayari sa war on drugs ng PNP at hindi rin raw sila nakatuon sa kung paano magiging obstruction of justice.

Facebook Comments