Sapat ang bilang ng mga pulis na dineploy ng Philippine National Police (PNP) para magsibling seguridad ni Vice President Sara Duterte.
Ito ang tiniyak ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda sa gitna nang puna ng Commission on Audit (COA) na nasa 433 security escorts ang naka-assign sa bise presidente noong 2022.
Ayon kay Acorda, hindi lang ang PNP ang bahagi ng seguridad ng pangalawang pangulo.
Matatandaang pinagana ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Hunyo 24, 2022, ang hiwalay na unit na Vice Presidential Security Protection Group na mas malaking bilang ng tauhan sa dating Vice Presidential Security detail.
Paliwanag ni Acorda sa panig naman ng Police Security Protection Group (PSPG), ang pag-de-deploy ng tauhan bilang seguridad ng VIP ay depende sa kanilang threat assessment.
Aniya, bilang pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa, may entitlement sa karagdagang proteksyon ang bise presidente.