PNP doctor, sawi sa nalanghap na disinfectant

PCapt. Dr. Casey Gutierrez. Photo from Shella Distor's Facebook page

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagkamatay ng isa sa mga doktor nito matapos makalanghap ng nakalalasong kemikal habang nagtatrabaho sa COVID-19 facility.

Binawian ng buhay si PCapt. Dr. Casey Gutierrez noong Mayo 30, limang araw mula nang wisikan ng disinfectnant sa decontamination procedure sa Philippine Sports Arena, sa Pasig City.

Ayon sa PNP, dalawa pang miyembro ng medical team, sina PSSG Steve Rae Salamanca at PCpl. Runie Toledo, ang nakalanghap din ng kemikal at dinala na sa PNP General Hospital.


Sa sources ng Philippine Star, ang pagkamatay ni Gutierrez ay resulta umano ng kapabayaan sa pagpapatupad ng health and safety protocols sa naturang pasilididad.

Aksidente umanong nagamit sa doktor ang sodium hypochlorite, kemikal na hindi maaaring direktang iwisik sa isang tao.

Humihingi naman ng hustisya sa pagkamatay ni Gutierrez ang kinakasama niyang si Shella Distor na isang medical practitioner.

“Ayaw na sana namin magsalita pero nangyari ulit sa ibang tao,” ani Distor na nagsabing tinangka umano ng PNP na itago at patahimikin ang pamilya tungkol sa nangyari.

Nagpatulong na rin ang PNP sa Department of Health para sa hiwalay na imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments