Manila, Philippines – Nag-viral sa social media ang kuha ng isang netizen sa tinatawag na ‘PNP drop box’ sa barangay Valencia, Quezon City.
Ayon kay kapitan ng barangay na si Anna Millonado, hinihikayat dito ang mga residente na ihulog ang ilang impormasyong nalalaman tungkol sa mga pinaghihinalaang tulak at lulong ng droga.
Pero pangamba naman ng ilang residente na baka magamit ng mga pasaway ang naturang drop box.
Tiniyak naman ni QCPD Director, Chief Supt. Guillermo Eleazar – sinasala naman ang mga impormasyong ibinibigay ng mga residente.
Siniguro rin ni Eleazar na dumaan sa beripikasyon na inihuhulog ng ga residente.
Aniya, noong isang taon pa niya iniutos sa lahat ng barangay sa lungsod na maglagay ng drop box bilang bahagi ng kanilang anti-drugs campaign.