PNP Drug Enforcement Group, nakakumpiska ng mahigit 1 milyong pisong halaga ng shabu sa Cagayan de Oro City

Huli ang dalawang drug suspek sa ikinasang drug buy-bust operations ng Philippine National Police (PNP) Drug Enforcement Group (PDEG) sa Zone 9, Brgy. Bulua sa Cagayan de Oro City kamakalawa.

Kinilala ni PDEG Director P/BGen. Randy Peralta ang mga naaresto na sina Lelet Tumala Daga na taga-Brgy. Punta Macabalan at Ted Sherwin Seniel Casensa na taga-Zone 3 Brgy. Patag.

Nakuha mula sa kanila ang aabot sa 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigitn isang milyong piso, 1 libong pisong boodle money, cellphone na ginagamit sa transaksyon at mga ID.


Agad dinala sa Special Operations Unit ng PDEG sa Region 10 ang mga naaresto at sinampahan sila ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments