Nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na huwag agad maniwala sa mga kumakalat na video at propaganda sa social media.
Ito ay kasunod na rin ng lumabas na video na nag-uugnay kay dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa kalakaran ng ilegal na droga.
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, panahon kasi ng eleksyon kaya maraming lumalabas na mga propaganda laban sa mga personalidad.
Giit ni Albayalde, kwestunable ang umano’y listahan ni alyas Bikoy ng mga taong sangkot sa ilegal na droga dahil imposibleng gawin ito ng mga sindakto.
Aniya, pwede namang gumawa ng ganitong dokumento ang kahit na sino at ipakalat ito sa social media.
Facebook Comments